Kabilang sa Network na ito ang mga aktibistang kababaihan, tagagawa ng mga patakaran, guro, at estudyante mula sa Guahan (Guam), Hawai’i, mainland Japan, Okinawa, Pilipinas, Puerto Rico, South Korea at continental USA.
Pinagtutulung-tulungan natin ang mga isyung magkakatulad sa ating mga komunidad, kabilang na ang:
– karahasang militar, pang-aabusong sekswal at trafficking; mga problemang lumilitaw mula sa pagpapalawak ng mga operasyon at base militar ng US; ang mga epekto sa kalusugan ng kontaminasyon ng kapaligiran na bunga ng mga paghahanda sa gera; at mga pinalobong badyet na naghihibas sa mga pondong ipinagkait sa mga programang may panlipunang pakinabang.
– Kaagapay ng ating mga kontra-militarismong pagsusuri, nag-aambag tayong lahat sa paglikha ng mga sustenableng komunidad at pagsusulong ng ating mga tinatanaw na mga alternatibong paraan para mabuhay.
Pinag-uugnay-ugnay natin ang magkakahiwalay na mga pagsisikap na ito sa pamamagitan ng:
Internasyunal na mga miting,
Ugnayan sa hanay ng mga grupo sa mga bayan
Mga koordinadong aktibidad
Pagsuporta sa mga lokal na aktibidad at kampanya ng bawat isa (gamit ang mga sulat, pahayag ng pakikiisa, donasyon, pagbili ng mga paninda, atbp.),
Paglahok sa mga internasyunal na pagtitipon tulad The Hague Appeal for Peace, Netherlands (1999), Military Toxics Conference, Washington DC (1999), World Social Forum, Mumbai (2004), Women’s Global Strategies for the 21st Century Gathering, Bronxville, NY (2005), No Bases Network Conference, Ecuador (2007), U.S. Social Forum, Detroit (2010), at Moana Nui (Honolulu, 2011; Berkeley 2013).
Pagsasagawa ng pag-aaral sa hanay ng mamamayan sa lahat ng ating mga komunidad tungkol sa kung ano ang epekto ng militarismo sa kababaihan, sa mga bata at sa kapaligiran,
Tulung-tulong na pagsusulat, ng mga pahayag mula sa mga internasyunal na miting at iba pang lathalain, at
Living Along the Fenceline (dir. Lina Hoshino, 2012), ang ating premyadong dokumentaryo, nagtatampok ng pitong lider-kababaihang lokal mula Okinawa hanggang Puerto Rico na naghahamon sa padron ng kontaminasyon, prostitusyon at pagyuyurak ng US military sa lupain at kultura at may mga proyektong pangkomunidad na nakatuon sa kapayapaan at tunay na seguridad.