Nasustini natin ang Network na ito sa loob ng 18 taon sa kabila ng heograpikal na distansya, pagkakaiba sa lenggwahe at kultura, at masalimuot na mga kasaysayan ng ating mga bansa.
Mula sa umpisa, nagpasya tayong hindi lang English ang ating gagamitin sa mga internasyunal na miting sa sitwasyong maraming kababaihang aktibista sa rehiyong Asia-Pacific na nasa gawaing pagbabago ang hindi bihasa sa English. Sa kasalukuyan, ginagamit ng Network ang limang lenggwahe: English, Japanese, Korean, Spanish at Filipino. Mayruon tayong ilang masikhay na tagasalin na mahalagang gawaing pampulitika ang turing sa pagsasalin. [link sa sulatin tungkol dito]. Nagsulat na sila ng disyunaryo ng may mahigit na 400 na termino para maisagawa ang sakto at pirmihang pagsasalin. Pero, pinag-aaralan pa natin kung papaano maging mahusay sa interpretasyon. Maaaring maging mabagal at mabulto ang trabahong ito. Mangangailangan ito ng panahon, tyaga at konsentrasyon, gayundin, ng mga sanay na tagasalin. Sa kabila ng ating mga napakagagandang intensyon, nangingibabaw pa rin ang English sa ating mga internasyunal na pagtitipon.
Kabilang sa ibang praktika ng pagdedekolonisa ng solidaridad ang pagbabahaginan ng mga pananaw-sa-daigdig at pagtatatag ng mga ugnayan ng mga kalahok. Kapag nagtitipon tayo, tinatalakay natin ang mga isyung kinakaharap ng ating mga komunidad, kabilang na ang mga epekto ng kolonyalismo at militarismo sa ating mga buhay. Binibisita natin ang mga base militar, war memorials at iba pang pook militar bilang mga lugar ng sagradong paglalakbay at bilang mga gawang paggunita na tumutulong sa atin para palitawin at ipagdalamhati ang mga alaala ng kolonyalismo at trauma ng militarismo at gera.
Napakahalaga sa atin ng pagtatayo ng solidaridad. Nananatiling hamon ang kung papaanong hindi makapagparami ang mga akto ng diskriminasyon sa ating proseso ng paglaban. Sa kalagayang may mga pangkasaysayan, pampulitika at ang-ekonomyang di-pagkakapantay-pantay ng kababaihan sa Network,napakahalagang maipaliwanag ang pagkamasalimuot ng ating magkakaibang lokasyon sa daigdig, at ang pagkakalas sa mga nakagawiang palagay. Halimbawa, nakakatulong ang kaalaman sa pang-ekonomya, pampulitika at panlipunang di-pagkakapantay-pantay sa U.S. sa pagpapaliwanag ng pagrereklutang militar at kung paano umaapaw ang sosyalisasyon at pagsasanay militar tungo sa mga komunidad sa buong rehiyong Asia-Pacific sa panahon ng gera, paghahanda para sa gera at mga panahon ng “pamamahinga at pag-aaliw”.
Kumakatawan ang maraming kababaihan sa Network sa kultura at mga paniniwalang ispiritwal na katutubo at post-colonial (matapos ang pagiging kolonya). Dinadala natin ito sa ating mga pagtitipon sa mga kwento, sining, tula at sayaw. Sa kabila ng pagkakaiba sa lengwahe at kultura, natutulungan tayo ng sining sa paghahayag ng ating mga intensyon at komitment sa solidaridad. Naglilikha ng oportunidad para sa mga indibidwal at sa malawak na grupo ng kababaihan ng Network ang lakas ng loob na magsabi ng kanyang nararandaman para maipihit ang ating mga perspektiba at makalag ang sistematikong mga paraan ng pang-aapi at pagbabaluktot ng kolonyalismo at militarismo sa ating mga komunidad.