Kaalaman. Alam natin kung paano nakakaapekto ang miitarismong U.S. sa mga komunidad sa rehiyong Asia-Pacific, Puerto Rico/Vieques at United States. Tingnan ang mga Kampanya/Ang Pivot sa Asia-Pacific
Pagsusuri. Inuugnay ang patakarang panloob at panlabas ng U.S. sa mga komunidad na apektado ng mga opersyong at badyet militar sa U.S. at sa ibang bayan. Ginagamit natin ang mga lente ng gender, lahi, uri, at bansa sa pag-aanalisa sa mga isyung ito.
Pag-oorganisa at Pagpapaunlad ng mga Lider. Kabilang sa mga Grupo sa mga bayan (Country groups) ang mga makaranasang organisador na nagtatrabaho sa kanilang mga komunidad. Sinusuportahan ng mga internasyunal na miting ang lokal na pag-oorganisang ito at binibigyang oportunidad ang mga nakababatang aktibista para umunlad ang mga kasanayan at karanasang mamuno.
Edukasyong Publiko. Binibigyang pag-aaral ng maraming kalahok sa Network ang mga komunidad sa mga pagtalakay at workshops,paggawa ng videos, paglahok sa mga programang pangradyo, at paglalathala ng mga popular na sulatin, mga pyesang op-ed (opinyon sa pahinang editoryal) o mga higit na akademikong katha).
Sining at Panlipunang Pagbabago. Kabilang sa mga kalahok sa Network ang mga artistang biswal, makata, manunulat, mananayaw at performers o tagapagpalabas. Nakikita natin ang isang napakahalagang koneksyon sa pagitan ng ekspresyong pangkultura at pangsining at aktwal na pagbabago ng lipunan.
Komunikasyon at Pagsasalin. Hindi lang English ang ating ginagamit sa paggawa at sa mga internasyunal na miting sa sitwasyong maraming kababaihang aktibista na nasa gawaing pagbabago ang bihasa sa English. Sa kasalukuyan, ginagamit natin ang limang lenggwahe: English, Japanese, Korean, Spanish and Tagalog. Mayruon tayong ilang masikhay na tagasalin na gawaing pampulitika ang turing sa pagsasalin.