Inilunsad ng mga kinatawan ng IWNAM mula sa 8 bayan (Pilipinas, Guahan (Guam), Japan, Okinawa, South Korea, Hawai’i, Puerto Rico at United States) nuong Nobyembre 2013 ang isang dalawang-taong magkasamang kampanya para tutulan ang Pacific Pivot at para “Iligtas sa pagkawasak ang Pagan, Jeju, Oyster Bay, Henoko, Takae,” limang sagradong pook na nakatakdang mawasak sa ilalim ng Pacific Pivot.
Ang “Pacific Pivot” ay ang terminong ginamit ng gubyernong U.S. at ng Pentagon para sumalamin sa kanilang pagnanais na ipihit ang pangunahing estratehikong pagkakaposisyon at mga rekurso nito sa rehiyong Asia-Pacfic at ipihit ang 60% ng kapangyarihang nabal at panghimpapawid ng U.S. sa rehiyong ito pagdating ng 2020. Dati nang kinaruonan ng signipikanteng presensya militar ng U. S. ang rehiyon nuon pang sinakop ang Hawai’i at Guam (1898), Gerang US-Pilipinas (1899–1902),hanggang Ikalawang Digmang Pandaigdig, Gera sa Korea at Gera sa Vietnam na nag-iwan ng bakas ng mahigit 1,000 base o instalasyong militar, 10 aircraft carriers, at humigit-kumulang 80,000 tropa sa East Asia at sa rehiyong Pacific.
Ang “Pacific Pivot” ay talagang pagpapalawak ng pwersang militar at kapangyarihan ng U.S. sa rehiyon ang sa pamamagitan ng mga alyansang militar, pang-aagaw ng mga lupain para sa mga bago at pinalawak na mga base at patuloy na pagpapabaya sa mga problemang panlipunan at kontaminasyong dati nang nilikha ng presensya militar ng US sa rehiyon.
Kabilang ang sumusunod sa mga susing problema ng Pacific Pivot:
–Mga kasunduan para sa muling pagbabase sa Pilipinas at Korea
–Mga alyansang militar at magkasamang pagsasanay
– Pagkakaruon ng lupain para sa mga bagong base at pagpapalawak ng base na gagamitin ng militar ng U.S.
– Pagwawasak ng mga sagradong lupain para sa gamit militar, na nagbubunga ng di-makukumpuning epekto sa kapaligiran at mga katutubo.
– Ang konstuksyon ng mga bagong base, nang walang paglilinis sa kapaligiran, pananagutan at kabayaran sa mga biktima ng kasalukuyang kontaminado nang mga base ng U.S. sa ibayong dagat.
– Mga paglabag sa karapatang-tao, lokal na soberanya, demokrasya at sariling pagpapasya ng mga lokal na komunidad. (pagpipwersa ng mga base sa mga komunidad na mariing tumututol dito, tulad sa Okinawa at Jeju)
–Pagsasamantala sa kababaihan sa pamamagitan ng prostitusyong militar, mga krimen at karahasan sa kababaihan at mga bata.
–Maling paggamit ng mga pondong militar at mga paggastos nang hindi tinutuos (ng US at mga bayang tumanggap ng mga base/pwersa militar at pwersadong gumastos para sa pagpapalakas militar ng US.
Sumangkot:
Suportahan ang mga pagsisikap ng IWNAM para tutulan ang Pacific Pivot at Iligtas sa pagkakawasak ang mga sagradong pook ng: Pagan, Jeju, Oyster Bay, Henoko, Takae, Pohakuloa
Pumirma sa mga petisyon kaugnay ng kampanya: Nakikiisa kami sa mga lokal na komunidad na kasalukuyang nagsusumikap na ipagtanggol ang kanilang sagradong lupaing sumasailalim ng grabeng panggigipit ng United States.
- Henoko, Okinawa, Japan
http://chn.ge/ 1ecQPUJ
Jeju Island, South Korea
http://savejejunow.org/
Pohakuloa, Big Island, Hawai’i
vimeo.com/63867248
Pagan Island, Northern Mariana Islands
savepaganisland.org
Oyster Bay, Palawan, Philippines - Naniniwala kaming nakabatay sa pagpawi ng militarisasyon, paglilinis ng kontaminasyon sa mga dating base, pagbabalik sa mga lokal na komunidad ng mga lupaing inagaw at pagtatanggol sa karapatang-tao ng kababaihan at ng mga lokal na komunidad ang matagalan at mutwal na seguridad sa rehiyong Asia-Pacific at United States.
Ito lamang ang magdudulot ng tunay na kapayapaan at tunay na makataong seguridad para sa mamamayan ng lahat ng ating mga bansa at ng ating mundo.