Sa bawat bayan, sangkot ang mga kasapi ng Network sa edukasyon ng publiko tungkol sa epekto ng militarismong U.S. sa ating mga komunidad. Nakapagpaunlad ng mga rekurso ang bawat grupo sa mga bayan (country group) para sa lokal na mga kampanya. Kabilang dito ang mga gamit sa pagtuturo, mga likhang sining, pahayagan at mga paninda. Nakapaglikha tayo ng mga kasuotan at scripts para sa napakapopular na kontra-militarismong fashion shows sa Guam, Hawai’i, at continental U.S.A. Nag-umpisa na ang Komite sa Edukasyon para tumulong sa pagku-koordina at pamamahagi ng mga materyal na napaunlad ng iba’t ibang country groups. Mangyaring ipaalam sa amin ang anumang materyal ang nakikita ninyong maaaring gamitin.