Mga Internasyunal na Miting o Pulong ng Network
Sa pulong ng pagtatatag sa Okinawa, Mayo 1997, nagtipon ang kababaihan para ibahagi ang mga impormasyon tungkol sa mga operasyong militar ng U.S. sa iba’t ibang bayan. Nagpasya ang mga kalahok na magmiting muli sa Washington, DC, Oktubre 1998, para dalhin ang mga karanasan sa mga organisasyon sa US at sa mga kasapi ng Konggreso at kanilang staff. Itinyempo ang ikatlong miting na may temang “Muling pagdidepini ng Seguridad: Internasyunal na Summit ng Kababaihan,” para sumabay sa G-8 Summit sa Okinawa, Hunyo 2000. Nagmiting ang Network sa South Korea nuong 2002, sa Pilipinas nuong 2004, sa san Francisco Bay Area nuong 2007, at sa Guam nuong 2009. Ang pinakahuling miting ay sa Puerto Rico nuong 2012. Ang bawat miting ay may mga sesyong bukas sa publiko, may mga pagbisita sa mga pook at may malalim na talakayan para sa mga kalahok.
Mga Nakaraang Miting (1997, 1998, 2000, 2002, 2004, 2007, 2009, 2012)
Misyon at Nais Abutin
Isulong , imodelo at bigyang proteksyon ang tunay na seguridad sa paglikha ng internasyunal na network ng kababaihan sa solidaridad o pagkakaisa laban sa militarismo.
- –Palakasin ang komun na kamalayan at tinig sa pamamahagi ng mga karanasan at kritikal na pag-uugnay ng militarismo, imperyalismo at mga sistema ng pang-aapi at pagsasamantala batay sa gender, lahi, uri at bansa;
- – Umambag sa paglikha ng isang lipunang malaya sa militarismo, karahasan, at lahat ng porma ng sekswal na pagsasamantala upang garantyahan ang karapatan ng mga mamamayang naisasaisantabi lalo na ang kababaihan at mga bata; at
- – Tiyakin ang kaligtasan, kaayusan at pagiging sustenable sa matagalan ng ating mga komunidad.
Kasalukuyang komitment natin ang paggawa gamit ang 5 lenggwahe at napakahalaga ang bahagi ng pagsasalin sa ating gawain. Sa pamamagitan ng pag-oorganisang trans-nasyunal na ito, nananawagan tayo para sa pagtigil sa lahat ng porma ng karahasan at para sa pang-ekonomyang pag-unlad na nakabatay sa mga pangangailangan ng mamamayang lokal, lalu na ng kababaihan at mga bata.
Para sa iba pang impormasyon
“East Asia-U.S.-Puerto Rico Womens Network against Militarism” isang sulating inilathala ng People’s Solidarity for Participatory Democracy, Asia Journal, 2003.
“Women’s Network Against US Militarism in Asia,” ni Margo Okazawa-Rey.
“Making Connections: Building a East Asia-U.S.-Women’s Network Against Militarism,” ni Gwyn Kirk at Margo Okazawa-Rey, 1998.
“Resistance, Resilience and Respect for Human Rights: Women Working Across Borders for Peace and Genuine Security” ni Ellen-Rae Cachola, Gwyn Kirk, LisaLinda Natividad at Maria Reinat-Pumarejo, 2009. Ang sulating ito ay may bersyong inilathala sa Peace Review na nagsaad ng kasaysayan ng network na ito.