Tinatanaw
Tinatanaw natin ang isang daigdig na may tunay na seguridad, malaya sa militarismo, nakabatay sa katarungan, paglahok ng mamamayan at pagmamalasakit sa iba; isang daigdig na pinararangalan ang pundamental na dignidad pangtao at pagrespeto sa mga pangkulturang identidad; isang daigdig na may kapayapaan, maayos na kalagayan at kasaganaan para sa ikabubuti ng lahat; isang daigdig na tinitirhan ng mamamayan nang katugma ng kapaligirang nagsusustini sa atin lahat.
Misyon
Ang ating misyon ay : isulong, i-modelo at proteksyunan ang tunay na seguridad sa paglikha ng isang internasyunal na ugnayan ng kababaihang nagkakaisa laban sa militarismo; at palakasin ang ating komun na kamalayan at tinig sa pagbabahagi ng ating mga karanasan at paggawa ng kritikal na pag-uugnay ng patriyakiya, militarismo, imperyalismo, kolonyalismo at iba pang mga sistema ng pang-aapi.